I. Buod
Isang umaga ng Disyembre. May isang barkong lumayag sa ilog pasig, na tinatawag na bapor tabo (kaya tinawag itong bapor tabo dahil sa sinasabing tabo ang hugis nito). Sa loob ng bapor ay nahahati ito sa dalawang palapag, ang mga nasa itaas ay ang mga mayayaman at ang nasa ibaba naman ay ang mga mahihirap na nahihirapan dahil sa masikip, mainit at maingay na makina ng barkong sinasakyan. Sa loob ng bapor tabo at naroon sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kapitan Heneral at Simoun.
Sa kanilang paglalakbay ay nagkaroon ng pagtatalo dahil sa mahina at mabagal na paglalakbay. May naisip na paraan si Simoun na gumawa ng tuwid at bagong kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at Maynila. Ang gustong ipahiwatig ni Don Custodio na mag-alaga ng pato/itik upang sila mismo ang maghuhukay ng lupa para ito'y lalalim. At biglang nagsalita si Donya Victorina na maganda ang ideya ngunit sabi niya na magkakaroon ng maraming balut at ito ay hindi niya gusto dahil sa nasusuka siya at pinagdidirihan niya ito.
II. Tauhan
* Don Custodio- Kilala si Don Custodio bilang hindi marunong mapagod o masipag na tao. Siya rin ang naka isip ng paraan na mag alaga ng itik/pato para sa kanilang pinaplano na gumawa ng tuwid at bagong kanal.
* Ben Zayb- Isang mamahayag na hindi totoo sa kanyang mga salita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan.
* Padre Irene- Ang katulong ng mga kabataan sa pagpapatatag ng akdemya ng wikang kastila.
* Padre Salvi- Isang kurang pumalit kay Padre Damaso.
* Donya Victorina- Isang babaeng nagpapanggap na mistisang kastila ngunit isa namang Pilipina. Ayaw niya ng balut dahil nasusuka at pinagdidirihan niya ito.
* Kapitan Heneral- Pinipilit gawin ang kanyang trabaho habang nagsusugal.
* Simoun- Ang mapagpanggap na mag-aalahas, siya rin ang nakaisip na gumawa ng bago at tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at Maynila.
III. Suliranin Sa Kabanata
Ang nakikita kung suliranin sa kabanatang ito ay ang hindi pagkakapangtay-pantay ng bawat isa. Mas binibigayang tuon o pansin ka kung ikaw ay mayaman mas tinatrato ka nila ng maayos, di katulad ng mga mahihirap na parang basura lang kung saan ilagay na mas lalong pinapahirapan sa kanilang sitwasyon. Ang gustong ipahiwatig ng kabanatang ito na kapag hindi ka mapera pwede kana nilang etsa pwera.
IV. Isyung Panlipunan
Ang isyung panlipunan na napapaloob sa kabanatang ito ay diskriminasyon at ang hindi pagkakapantay-pantay ng mahihirap at mayayaman, dahil mas binibigyang pansin ang mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap. Diskriminasyon wag maliitin ang ating kapwa tao dahil tao rin sila at kinakailangan rin nila ng respeto kahit mahirap ka man o mayaman.
V. Gintong Aral
Ang aral na napulot ko sa kabanatang ito ay dapat na wag natong maliitiin ang ating kapwa tao kahit mayaman, mahirap, maputi, maitim, bata ka man o matanda ay karapatdapat kang respetuhin. Dapat wag mapagmataas ang tingin sa sarili dahil lahat tayo ay pantay pantay. Dapat lahat tayo at magkaisa at mag tulungan upang maging tahimik at mapayapa ang ating lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento